Charice Pempengco

Lumabas na sa kontrobersiyal ang singer na si Charice Pempengco at kinumpirma ang kanyang tunay na kasarian.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz, inamin ni Charice na nagkakaaway nga sila ng kanyang ina at higit sa lahat ay inamin niyang isa siyang tomboy.

Matatandaan na nanahimik ng matagal ang singer hinggil sa usapin.

Pero ngayong handa na ang singer  siya  mismo ang nagpa-interview sa batikang TV host.

Dito ay maraming isiniwalat ang 21-year-old singer: Siya ay umalis na sa bahay ng kanyang ina, na siya ay tomboy, at siya ay nagkaroon na ng karelasyong babae.

Bukod pa rito ay sinabi rin ni Charice na hindi naman nanganganib ang kanyang career, kahit na nasa gitna siya ng kontrobersiya mula pa noong nakaraang buwan.

Inamin din ni Charice na umalis siya sa tahanan nila ng kanyang ina at kapatid na si Carl.

Ngunit paglilinaw niya, hindi masasabing “paglalayas” ang ginawa niyang ito.

Hindi ko po alam kung ano’ng sasabihin ko diyan.

“Umalis po ako ng bahay, opo. Pero alam ko po na parang alam din naman ni Mommy noon, na doon din darating sa point na yun.

“Umalis po ako dahil  ayoko na doon, umalis ako dahil yun yung kailangan kong gawin.”

Sa ngayon daw ay nakikitira siya sa isang pamilya sa Cabuyao, Laguna.

“Ngayon po nag-i-stay po ako dito po sa Laguna po, sa Cabuyao, sabi ni Charice.

“Nag-i-stay po ako sa isang pamilya na hindi ko po ini-expect na makikipagsapalaran din.”

Pagpapatuloy niya, “Napakasuwerte ko na may mga ganong tao. Kasi sa sitwasyon ko ngayon, Tito Boy, hindi ko ini-expect yung… ang hirap mag-trust! Ang hirap maghanap ng taong gano’n.

“Pero again, hinayaan ko ang Diyos na bigyan ako ng sign, bigyan ako ng kung sino ang puwedeng tumulong sa akin.

“Nandito sila sa Laguna—sina Mommy Yna, sina Daddy George, sina Kuya Glen.

“Matagal na po kaming magkakakilala, bata pa po ako, e.

“Kaya po noong pagdating ko na sa bahay noong araw na yun, na-feel ko po yung kumportable po talaga ako.”

Sa pagtira sa bagong tahanan ay nararamdaman na raw ni Charice ang kalayaang gawin ang gusto niya.

“Ngayon ko po masasabi na, sa pag pumasok ko sa isang bahay, puwede akong humiga, na sabihing ‘Hay, pagod na ako.’

“Puwede ko lahat gawin, puwede akong magbaliw-baliwan, puwede kong ipakita kung sino si Charice sa harap nila, nang walang manghuhusga.”

Tanggap na tanggap daw siya ng bago niyang pamilya. Hiniling din niya sa manonood, sana ay walang mag-isip ng masama sa mga taong ito.

“Sa pangalawang pamilya ko po, yung pasasalamat, parang feeling ko na hindi pa po sapat yun sa mga ginawa nila para sa akin.

“Isang buwan na po ako nandito pero parang years na po akong nag-i-stay rito. Yun po ang pina-feel nila sa akin.

“Gusto ko po sabihin talaga sa harap ng maraming tao na nagpapasalamat po ako sa kanila.

“Sana po, huwag sila mag-isip ng against sa kanila, kasi kung hindi po dahil sa kanila, wala po ako ngayon.

“Siguro po, sobrang depressed ako kaya nagpapasalamat po ako,” pahayag niya.

Unang ipinaliwanag ni Charice ang kakaiba niyang pananamit. Aniya, hindi raw ito pagrerebelde.

Lahat po iyon choices na ginusto ko po, na alam ko pong very risky, sabi niya.

“Pero ginawa ko po dahil yun ang gusto ko po.

“Hindi po dahil sa nagrerebelde ako, hindi po dahil sa nasaktan ako ng isang tao or nasaktan ako ng pamilya ko or emotionally depressed ako dahil ginawa ko yun dahil yun po ang gusto ko,” diin ni Charice.

Nang itanong kay Charice ang isyu tungkol sa kanyang sekswalidad ay hindi muna ito sumagot nang diretso.

“Tito Boy, meron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally… pero pinili ko po rito sa Pilipinas dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga Pilipino dahil na-feel ko na gusto kong sila yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako…” sabi niya nang may pag-aalinlangan.

Naging definitive naman ang sumunod niyang pahayag.

“Opo, tomboy po ako,” pag-amin ni Charice.

“Hindi ko po alam kung ano ang problema nun. Kasi para po sa akin, wala pong problema yun, dagdag niya,

“Ngayon, gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako matatanggap. Sorry po.

“Naiintindihan ko po kayo.

“Pero sa lahat ng makakatanggap, matatanggap po ako, maraming-maraming salamat po.”

Sabi pa ni Charice, magaan na ang kanyang pakiramdam matapos ang pag-aming ito.

“Sa ginagawa kong ito, gusto ko lang na sabihin sa inyo na ang gaan ng pakiramdam ngayon,” sabi ni Charice, na nangingilid na ang luha.

“Na makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago, na wala akong masasagasaang tao… dahil wala akong itinatago!”

Gayunpaman, nagpahayag pa rin ng paumanhin ang singer.

“Sorry Mommy, Carl… pero ito ako. Proud ako sa sarili ko.

“Mahal ko ang sarili ko kaya ko po ginagawa ito.

“Sa mga fans ko, alam ko na marami sa inyo na… alam ko marami sa inyo disappointed, alam ko nga ilan sa inyo siguro tatalikuran na ako. Sorry.

“Alam ninyo na sincere akong tao, from the bottom of my heart, I’m sorry.