Tornado

Sa Chicago Nanganganib na naman ang ilang estado partikular sa midwest section ng Amerika, bunsod ng nakaambang pananalasa ng buhawi.

Ayon sa National Weather Service ng Amerika, naglabas na sila ng tornado warnings sa Iowa, Maryland, Indiana, Illinois at Wisconsin dahil sa inaasahang pagtama ng buhawi.

Sa Chicago, na-postpone ang baseball game sa pagitan ng White Sox at Toronto Blue dahil sa masamang panahon.

Habang 120 flights ang kinansela sa O’Hare International Airport.

Sa Pennsylvania, Pittsburgh, nagdagdag na ng mga tauhan ng public safety and public works at inihanda na ang mga equipments sakaling bumaha, may malunod, at magtumbahang mga puno at linya ng kuryente.

Nagbabala rin ang meteorologists sa weather event na kung tawagin ay derecho (deh-RAY’-choh), isang uri ng bagyo na may malalakas na hangin na siyang magdudulot ng buhawi at pagkawala ng power supply.

“The term derecho was coined in 1888. The word is Spanish for “straight ahead” or “direct,” wika ni Ken Pryor, research meteorologist sa National Oceanic and Atmospheric Administration sa College Park, Md.

Noong nakaraang linggo lang nang huling beses manalasa ang buhawi sa bahagi ng Amerika na sinundan pa ng malalakas na pag-ulan.