Washington

Sa bansang Washington dalawa na ang patay sa masamang panahon na nananalasa sa Mid-Atlantic section ng Amerika.

Nasawi ang apat na taong gulang na bata nang mabagsakan ng punongkahoy sa Maryland habang isang lalaki naman ang napatay sa sunog sa Pennyslvania, na idinulot ng kidlat.

Mahigit  30,000 residente ang walang supply ng kuryente sa Maryland habang 30,000 din sa Virginia.

Nasa 100,000 ang nakakaranas ng power blackout sa Georgia habang 157,000 naman ang walang kuryente sa North Carolina.

Ito ay bunsod ng natumbang mga puno at poste ng kuryente.

Nagpalabas ng tornado warning sa Ohio habang sa Maryland, tatlong ipo-ipo ang nanalasa at nasira naman ang isang restaurant sa Iowa tornado.

Daan-daang flights ang kinansela habang libu-libo pa ang naantala sa mga paliparan sa East Coast at Midwest section ng Amerika, kung saan higit na apektado ang New York patungong Washington.

Dalawang oras na sinuspende ang laro sa US Open sa Philadelphia dahil sa masamang panahon.

Isinailalim naman sa flood watch ang New Jersey habang sa New York lumikas din ang maraming residente at isinara ang ilang lansangan bunsod ng pag-apaw ng mga ilog at lawa.