ShamceyMatapos ang dalawang taong pagiging magkasintahan, ikakasal na si 2011 Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup at non-showbiz boyfriend na si Lloyd Lee.
Sa December 29 ngayon taon gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nitong araw ng Linggo nang maganap ang Chinese ceremonial para sa engagement party ng future husband and wife na katumbas ng tradisyunal na pamamanhikan sa mga Pinoy.

Dumalo sa seremonya ang mga kapwa beauty queens ni Supsup na sina 2010 Miss Universe fourth runner-up Venus Raj at 2012 Miss Universe first runner-up Janine Tugonon na kapwa kakahiwalay lang sa kani-kanilang mga boyfriend.

Noong nakaraang taon nang “mangako sa isa’t isa” sina Supsup at Lee na magsasama habambuhay.

Isa raw sa mga nagustuhan ng GenSan beauty sa Tsinoy boyfriend ay hindi siya nito tinatrato bilang celebrity.

“He sees me like I was before. Parang college pa lang ako kaya nga every time…so every time he encourages me to blend in lang. Very simple and very down-to-earth. Masuwerte ako,” sambit ni Supsup sa isang dating panayam.

Nagtapos si Supusp bilang Magna Cum Laude sa University of the Philippines (UP) Diliman sa kursong Architecture.