bitay

Umapela ang isang pinay ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas na nakatakdang bitayin sa bansang China matapos itong mahulihan ng illegal na droga noong 2012.

Sa susunod na linggo itinakda ang pagbitay sa nasabing Pinay na kasama ng isang Pinoy na una na ring nahatulan ng kamatayan, ayon sa report.

Sinasabing nahulihan ang nasabing Pinay ng 12.369 kilo ng high grade cocaine sa Shanghai, China.

Kaugnay nito, patuloy naman ang apela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga OFW‘s na iwasan ang pagdala ng illegal na droga kapalit ng malaking halaga ng salapi.

Mahigpit ang batas sa ibang bansa at kung maari ay dumaan sa legal na proseso at matinong trabaho,giit ng DFA.

Tiniyak ng pamahalaan ang agarang pakikipag-ugnayan sa bansang China upang hilingin ang mas mababang parusa sa Pinay drug mule na nahaharap sa bitay na maaaring isagawa sa susunod na linggo.

Katunayan muling ikinokonsidera ang pagtungo ni presidential adviser on OFW concern at Vice President Jejomar Binay sa Beijing upang mailigtas ang buhay ng ating kababayan.

Magugunitang nahulihan ang hindi na pinangalanang Pinay ng 12 kilo ng heroine noong 2011.

Sa batas ng China, ang pagdadala pa lang ng 50 gramo ng droga ay sapat ng dahilan para maparusahan ang sinumang indibidwal.

Aminado naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) na isa sa maselang kaso ang tungkol sa droga lalo’t nakapirma rin ang Pilipinas sa mga bansang nagpapatupad ng paghihigpit laban sa anumang pagdadala, paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Noong nakaraang taon lamang ay umaabot sa 80 ang nalagay sa death row, kung saan karamihan sa mga ito ay dahil sa kaso ng pagbitbit ng droga, batay sa data ng DFA.