heart_chiz

Marami ang pinagdaanang pagsubok at kontrobersiyal sa pag-iibigan nila Heart Evangelista at  Senador Francis ” Chiz ” Escudero,ayon kay Heart walang duda na sinabi niya na sana ay si Chiz Escudero na ang lalaking makasama habang buhay..
“It’s nice to be in a relationship with someone, and you work in, kung meron kayong hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa you work on it because you love each other. So, sana siya na nga talaga,” pahayag ni Heart kahapon..

Ayaw na niyang pumasok sa ibang relasyon kaya ipinagdarasal niya na ang senador na, “sana’y siya na talaga,” P\pag-amin pa ng aktres.

Patuloy pa ni Heart na marami siyang natutunan sa relasyon nila ni Escudero tulad ng pag-adjust sa isa’t isa at ayusin ang mga problema.

“Kunwari meron kayong hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa, you work on it because you love each other. So, sana siya na talaga,” paliwanag niya.

Matatandaan na kalagitnaan ng kampanya nitong nagdaang May elections nang isapubliko ng mga magulang ni Heart ang kanilang pagtutol sa pakikipagrelasyon ng anak sa senador.

Dahil pinili ni Heart na ipaglaban si Escudero, nagdesisyon ang aktres na bumukod ng bahay at maging indepedyante.

Hindi pa rin sila nagkakaayos ng kanyang mga magulang at hindi niya nabati nitong nagdaang Father’s Day ang kanyang ama, pag-amin ng aktres.

“I think it really needs time to heal,” aniya. “I missed my dad very much, and I still have my moments na siyempre umiiyak pa rin ako.”

Umaasa naman ang aktres na darating ang panahon na magkakaayos muli sila ng kanyang mga magulang.

“Eventually time will heal everything na maayos din lahat. Everything will just fall into place,” sabi ni Heart.

Bagaman mahirap ang malayo sa mga magulang, sinabi Heart na may natutunan naman siya sa pamumuhay na mag-isa tulad ng pamamahala sa kanyang pang-araw-araw na gastusin.

Kung dati ay hindi niya masyadong binibigyan halaga ang paggastos at hindi marunong mag-save, ngayon daw aware na siya.

“Ngayon na nakikita ko na siya, mas nararamdaman ko na mahirap pala talaga,” ayon sa aktes.