Agot Isidro, Cherie Gil , “Muling Buksan Ang Puso.”

Ang dalawang actress na sila Cherie Gil at Agot Isidro ay magbabalik sa ABS-CBN dahil sa bagong proyekto. Huling nakita si Cherie Gil sa GMA Kapuso sa pag-arte niya sa Temptation Wife.

Samantala si Agot Isidro kamakailan lamang ay naging bahagi ng GMA-7 ng Indio. Ang kanyang huling Kapamilya show ay sci-fi drama E-Boy.

Malapit na silang maging bahagi ng paparating na primetime serye Muling Buksan ang Puso.

Ang palabas na ito ay pamumunuan nila Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee.

Sinabi ni Agot ” It’s always great to be home,” ayon sa kanyang pakikipanayam noong June 30.

Ang teleseryeng ito ay para sa lahat.  Sino ba naman ang hindi nagmahal? Sino ang hindi nasaktan dahil sa pagmamahal? Sino ang gustong muling ibukas ang kanilang mga puso?”

Sumang ayon naman si Cherie Gil at sinabi niyang masaya siya sa kanyang pagbabalik.  Isang malaking teleserye ang ihahandog namin para sa inyo.”

Ipinagpatuloy ni Cherie ang pakikipag-usap tungkol sa serye niya sa TV ” Sa teleseryeng wala akong gayuma kahiy anu pa man.

Ang maganda sa character ko, isa akong barrio lass. Malandi at haliparot ako nung bata ako.”

Idinagdag pa niya sobrang tuwa ko dahil makakasama ko sa unang pagkakataon si Tita Susan Roces at isa siyang kagalakan.

“Rehearsal pa lang, bigayan na kami kaya ikaw madadala ka.”

Isinawalat ni Cherie Gil ay si  Enchong Dee ang kanyang anak na lalaki sa seryeng ito habang si Agot naman ang gaganap na ina ni  Enrique Gil. Si Julia Montes naman ay ang batang babae na bumubuo ng isang pag-ibig na tatsulok kila Enchong Dee at Enrique Gil.

Si Jestoni Alarcon naman ay gaganap at papagitan sa dalawang actress na sila Agot at Cherie.

Ayon kay Agot, Ang teleseryeng ito talaga ay para sa lahat at isiniwalat naman ni Cherie na wala siyang problema na makatrabaho ang tatlong bituin sa palabas na ito.

Nakasama ko na sila dati,  si Enrique nung siya ay kinse anyos pa lamang sa Pieta. Enchong nakasama ko na rin and Julia Montes kamakailan sa in A Moment In Time. Sila ay  propesyonal at nagtatrabaho ng mabuti.

Makakasama din nila sa teleserye bukod kay Susan Roces, Dante Rivero, at Pilar Pilapil.

Idinagdag pa ni Cherie Gil, ” kahit na magkaroon kami  ng isang pangkat na tinatawag na ang Kontrabida Package.  Kasama dun si Mylene Dizon…My staff even calls me Mother Bitch and I love it.”

Depensa naman ni Agot sa sinabi ni Cherie, Ganyan lang si Cherie pero siya talaga ang pusong mamon.