filipina_drug-trafficking (1)

Hiling umano ng pamilya ng convicted Pinay drug mule na macrimate ang labi nito sa oras na maisagawa ang pagbitay sa China.

Kasalukuyang presidential adviser on OFW concern Jejomar Binay na ito ang ipinaabot na kahilingan sa kaniya ng mga magulang ng naturang 35-anyos na kababayan, ayon sa ulat ni vice president.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na tinutugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng pamilya habang naghihintay ang mga ito ng development sa kaso.

Nanatili pa rin umano sa isang hotel sa Shanghai ang pamilya matapos na mabigyan sila ng pagkakataong makita nang personal kahapon ang kanilang kaanak, ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez.

Sinabi pa ni Hernandez na “last resort” na umano ng gobyerno ang appeal letter ng Pangulong Benigno Aquino III kay Chinese President Xi Jinping na humihiling na maisalba ang buhay ng kababayan.

Pero aminado rin ang opisyal na wala rin silang natatangap na tugon dito mula sa Beijing.
Ang naturang 35-anyos na Pinay ay nahatulang mabitay matapos mahulihan ng 6.198 kilos ng heroin sa Hangzhou International Airport noong 2011.

Walang matatanggap na anumang benipisyo mula sa Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang pamilya ng Pinay dahil hindi naman lehitimong OFW, sinabi naman ni Binay.